Bagong Umaga

Ang kahapong lumipas ay di na mag babalik

Ngunit may bagong umaga para mag simula ulit

Kapit lang, lahat ay itaas at ipaubaya sa Kanya

May plano sa iyo ang Dyos, sa Kanya ay magtiwala

Sa pag silip ng bagong umaga

Sambit ay pasasalamat sa ating Bathala

Sa biyaya ng buhay na ipinag kaloob Nya

Sa ating kahimbingan tayo ay ginising Nya

Advertisements

To My Future Baby

Anak,

Hindi ko alam kung kelan ka darating pero inaantay na kita

Hindi ko alam kung kelan kita makikita pero kinasasabikan na kita

Wala ka pa sa sinapupunan ko pero gusto na kitang makilala

Anak, kahit anong sitwasyon ka pa dumating, galing sa Dyos, ikaw ay biyaya

Madalas kong tanong babae o lalaki ba?

Ano kaya kung kambal para 2 in 1 na

Pero kahit ano man ang iyong kasarian

Sa pag mamahal hindi kita pagkakaitan

Sabik na akong ipag buntis ka

Moody kaya tayo habang ipinag lilihi kita?

Anong kakaibang pagkain ang kakainin nating dalawa?

Blooming kaya tayo o baka maasarin at suplada?

Gusto kong maranasan anak ang iyong paglikot

Sa sinapupunan ko ikaw ay mag libot

Paraan ng paramdam mo na ikaw ay nasa loob

Isang katauhan, dalawang puso ang tumitibok

Maliliit mong kamay ang hahawak ng aking mundo

Ang boses mong matinis musika sa pandinig ko

Mata mong bintana sa ibabaw ng mundong ito

Nawa’y kabutihan ang mag hari sa iyong puso

Nanay Ko

This feeling of being alone is just a norm since you’ve been gone mom.

I can’t help it. This solitude is what’s left inside my heart.

The empty space and memories that haunts.

Why it has to be you? Mom, I was so young, naive and fragile.

Having you in just three years isn’t enough.

Having you in a lifetime is what I want.

You are the best mom anyone could ever ask

The best mom anyone could ever have

At the hospital bed where you lay

My heart aches to see you in pain

Tubes in your arms and nose

I was scared mom but I never showed

I lay beside you and smile because I needed to

Your bunso is strong mom, that was what I want to show you

Even deep down inside I was dying too

You fought a battle, I need to support you

I wish I was the front-liner instead of you

Sorbetes

Ang katangahan ay hindi maiiwasang dumaan sa ating buhay. Ito ay tila sorbetes na tig limang piso lamang.

Tinitikman ang bawat kulay. Kusang natutunaw at may hangganan.

Kung may pambili pwedeng umisa pa. Wala namang masama.

Ngunit hwag mong hahayaang maging suki ka. Bigyan mo ng limitasyon ang iyong sarili.

Hindi ka dapat maadik. Na sa bawat pag daan ng mag sosorbetes nagmamadali ka ng maghanap ng barya.

Dahil nakasanayan mo na. Naging parte na ng iyong sistema.

At pag dumating ang panahon na wala ka ng barya aakitin ka ni mamang mag sosorbetes sa mga katagang “ok lang yan, mag bayad ka nalang pag meron na.” at ikaw naman ay tuwang tuwa at muling nagkaroon ng pag asa.

Pag asang araw araw ka pa rin makakatikim ng sorbetes.

Ngunit di mo namamalayan nababaon ka na pala sa utang.

Hihingi ka ng tulong sa mga tao sa paligid mo. May tutulong. May maaawa. May magsasabi ng di maganda. May iiyak at handang samahan ka.

May mag bibigay ng payo at tutulungan kang malutas ang iyong problema.

Pero ang huling disisyon ay nasa sa iyo pa rin.

Unti unti kang matututo at mag babago. Malalaman mong lahat ng sobra ay masama.

Hindi pa huli ang lahat. Madami pang sorbetes ang hindi mo natitikman.

Sa iyong pananahimik hindi maiiwasang madaanan ka ng mag sosorbetes.

Maaaring malakas ang temptasyon. Di maiiwasang tumikim ka ulet.

Ngunit sa pag lipas ng panahon matututo kang mag dala.

Habang nag kakaedad ka kahit ilang sorbetes pa ang dumaan sa buhay mo mapapangiti ka nalang.

Ikaw na mismo ang tatanggi. Ikaw na mismo ang aayaw.

Maaaring naging labis ang iyong pagkahilig sa sorbetes ngunit ang mahalaga ay natutunan mong ang sorbetes ay hindi kinakain. Hindi nilalamon.

Parte na ng ating buhay ang sorbetes. Pero tandaan na ito ay paunti unti lamang. Kung maaari ay makuntento na sa patikim tikim lang.

Hayaang matunaw at tanggapin na ito ay may hangganan.

Avery’s Grandpa

“Grandparents who care for their grandchildren live up longer than those who don’t, remarkable new research has found. This might be one of the only situations in your whole life where you’re doing something and you expect nothing in return.”

(Source: https://www.google.com.bh/amp/s/amp.smh.com.au/lifestyle/health-and-wellness/caring-for-grandchildren-can-increase-lifespan-by-five-years-study-says-20170112-gtq99t.html)

My father is a great grandfather to my nephews and niece. Most of all, to Avery.

When Avery came to our family, I saw how my father cared for him. The joy in his eyes. The happiness in his smiles. It was like he fell in love again for the first time.
Hence my sister’s husband was on a business trip the day she gave birth to Avery, my father was the one who put all the effort, support, and even run errands just to make sure that my sister and my nephew receives the care and support they need.
Avery became the apple of my father’s eyes. He would baby-talk while he babysit him. He just can’t contain his happiness having that tiny baby in his arms. In his euphoria, he doesn’t seem to get tired looking after his firstborn grandchild at all.

As I focus my phone’s camera at him looking at Avery with a great smile, I can’t help it, it made my heart melt. I just love to see him happy with all the stripes in his eyes.

I remember when Avery was still a baby, there were times that my jealousy becomes obvious, my father would jokingly tell me “I love each and everyone of you just as the same”. But of course I know that there’s always an exemption. That’s normal. Because in every rule that we set, there’s always someone who can effortlessly break them, not because they are strong or persistent, but because we let them.

Walang Pamagat na Tula

Sige mahal, talagang pagod na ako
Sige mahal, hanggang dito nalang tayo
Oo mahal, ikaw ang nagwagi, ikaw ang panalo
Dahil sa relasyong ito ako ang laging talo
Pagod na akong ipaglaban ang aking pagmamahal
Suko na ako dahil alam ko namang ako’y hangal
Tulad ng nakagawian ikaw ang panalo at ako ang talunan
Saan mang anggulo tingnan ako ang maiiwang luhaan
Sayang ang mga binitiwang pangako
Mga pangarap sa kinabukasan at plano
Ngunit ang mas pinanghihinayangan ko
Ay ang panahong naniwala akong ikaw ay totoo
Hindi ko ikakaila, oo, iiyak ako
Malulumbay at malulungkot ng husto
Sa pag wawakas ng relasyong ito
Sa mga pinlanong biglang gumuho
Oo nga’t ako ay nanghihinayang
Pagibig ko mang inalay ay nasayang
Ikaw man ay mawala sa aking buhay
Ngunit sa pagsubok patuloy akong lalaban

Pitong Talata

Image from https://i.pinimg.com/originals/3a/8e/a3/3a8ea385a4b2c40335ad145295e4627b.jpg

Sa tuwing lumulubog ang araw

Ang liwanag ay unti-unting pumapanaw

Dilim ang salubong sa kapaligiran

Ang puso’y hinahatak ng kalungkutan

Pagkat sa pag lalim ng gabi

Ang oras na kasama ka ay umiigsi

Sa sandaling kumagat na ang dilim

Alam kong ikaw ay mamamaalam na din

Kailan kaya, kailan nga ba?

Kailan kita maisasayaw sinta

Kailan nga ba kita makakasama

Kailan nga kaya hindi mangangamba

Ang makapiling ka’y aking mithiin

Ang puso’y sabik sa iyong pag lambing

Makasama ka’y tanging pangarap

Tila bisyo, ako’y nililipad sa alapaap

Ikaw ang dahilan ng ngiti sa aking labi

Nalimot ang kasawian, pati pighati

Natutong mangarap, umibig muli

Minamahal kita at aking ipinagmamalaki

Mahal na mahal kita aking sinta

Ikaw lamang, wala ng iba pa

Di na lilingon at hahanap ng iba

Ang pag mamahal mo sa akin ay sapat na

Tapat na pag ibig ang aking alay.

Sa tabi mo ako ay di mawawalay

Nais kitang makasama habambuhay

Mamahalin kita maubusan man ako ng dahilan